Thursday, October 23, 2008

My Dark desktop

too much black.....wahaha
but i enjoyed it so much hehe

My desktop
v
v
Image and video hosting by TinyPic

follow this step..if you want black theme for windows xp
v
v


then for desktop background
search nalang kau ng wallpaper size
na dark din.......
then use it as your desktop background


My Mozilla Firefox
v
v
Image and video hosting by TinyPic

cool haha.....
for Mozilla Firefox themes
visit
v
v
https://addons.mozilla.org/en-US/firefox/recommended

in left side click "Themes"
then sa lower part click "all themes"
nang makita niyo mga available na themes
pag naka pili na kau just click "add to firefox" then
install....

to use it...click Tools in upper part of Mozilla then click "add-ons",
click Themes
choose what you want to use then click use theme...

Boila.......dark dark dark..........hahaha

Sunday, June 22, 2008

Biyaheng FEyUPs ni Prof. Erwin

post ni Prof Erwin sa www.peyups.com
link: http://www.peyups.com/article.khtml?sid=1528

credits: www.tamarawbayan.com, Prof. Erwin

hindi ko namn cya naging Prof. sa Feu....
na isip ko lang e post to dito
sapagkat may ibang tao na puro negative ang
pag iisip nila sa FEU...
gusto ko lang na malaman nila na
hindi kami basta ordinaryong estudyante
lang ng Feu...at si Prof. Erwin
ang makakapag patunay nun....



=====================================================

Ngayon, araw-araw ko pa ring binabagtas ang rutang yun, pero kalahati na lang ang aking nadadaanan. Isang oras na lang ang biyahe ko. Bago pa man kami sumawsaw sa Quiapo underpass papuntang Morayta (kung saan ako naholdap nung kolehiyo), pumapara na ako. Ilang hakbang na lang mula duon ang aking bagong "tahanan". Tinubuan na kasi ako ng sungay ngayon. Isa na kasi akong Tamaraw!

Masalimuot kung paano ako napunta sa FEU. Nagsimula siguro yun pagkatapos kong grumadweyt, nung nasa review school ako. Weekender kasi ako, tamad pumasok araw-araw. Ibig sabihin rin nun, hindi ko nakasabay yung mga kasamahan kong taga-UP na binibigyan ng special treatment ng review school. Binibigay kasi sa kanila yung magandang schedule kung saan nandun yung the "best" reviewers, madalas weekdays, pang-umaga. Napunta naman ako sa isang masikip na classroom na walang magkakakilala, halos lahat ng magkakatabi ay galing sa magkakaibang eskuwelahan. Para kaming mga freshman na minamata ang mga katabi nung mga unang araw, nagtatantiyahan kung sino ang mukhang approachable at kung sino ang hindi.

Duon nagsimula ang aking interes na makilala ang ibang eskuwelahan at ang kanilang kultura. Nakakatuwa ang experience na yun. Humbling, lalo na pag dumarating ang oras na nagpapaturo ako sa isang kaklase na galing sa eskuwelahan na nilalait-lait ng mga taga-UP. Ngunit naging malungkot rin nung huli, kasi kahit na nakikita kong puspusan ang pag-aaral ng mga kasama ko, mahigit kalahati pa rin sa kanila ang di nakakuha ng lisensiya. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari. Nakakainis kasi masisipag sila at matatalino. Karapat-dapat silang pumasa. Saan naman kaya nagkulang?

Nakonsensya ako dahil mas pinalad ako. Ano ba ang ibinibigay sa atin ng UP at karamihan ay nakakapasa sa mga board exams? Bakit yung galing sa ibang school na puspusan ang pagsusunog ng kilay ay hindi pinapalad? Mas matalino lang ba talaga ang mga taga-UP? Hindi! Mas marami pa siguro akong natutunan sa mga kasama ko sa review school kaysa sa natutunan nila sa akin. Hindi ko alam kung ano yung "X-factor" na nagbigay sa akin ng bentahe, pero kung anuman yun, gusto kong maibahagi yun. Dun nagsimulang maglaro sa utak ko ang ideyang magturo sa ibang unibersidad. Malay mo, makabawi man lang ako.

Makalipas ang isang taon, nabigyan ako ng oportunidad na isabuhay na ang ideyang yun. Pinakalat ko kasi ang aking resume sa sangkatutak na eskuwelahan pagkatapos kong mag-resign (out of disillusionment) sa isang firm sa Ayala - "Home of the biggest Filipino crooks!". FEU ang nauna sa mangilan-ngilan lang na tumawag sa akin. Matagal-tagal ko ring pinag-isipan, pero mabagal kasi ang ibang mga unibersidad. Malapit na ang pasukan, hindi pa rin minamadali ang pag-schedule ng mga interviews at teaching demos ko. Dahil baka mawala ang oportunidad, sumakay na ako sa likod ng Tamaraw (hindi FX!), kumapit sa sungay at sinabi kay Nicanor Reyes (sumalangit nawa), "Kayo na po ang bahala sa biyahe ko!"

Maayos naman ang naging pagtanggap sa akin. Pero na-culture shock pa rin ako. Ibang-iba kasi ang pakiramdam sa loob ng FEyUps kumpara sa Peyups. Ang unang shock ko ay nung ibigay sa akin ang aking teaching load. Nung nilabas ang aking sked, sabi ko sa sarili ko "Bakit parang ang dami namang nakasulat?". At dios mio, ineng, marami ngang nakasulat! 24 units! Walanghiya, nung nag-aaral nga ako, hanggang 18 units lang, ngayon pang magtuturo ako, naging 24 units ang load ko! Siyempre di ko gaanong pinakita, pero umiikot-ikot pa rin ang utak ko pagkatapos kong makuha ang load ko. Nahimasmasan lang ako nung sabihin sa akin na ganyan pala ang norm sa halos lahat ng kolehiyo sa Pilipinas. Sa UE nga daw (tsismis lang!), umaabot ng 50 units ang load ng mga prof! Buti na lang hindi ako duon natanggap! Baka nag-resign ako unang araw pa lang!

Pagdating sa estudyante, OK naman. Inaamin ko na nung una kong pasok ay medyo kinabahan ako dahil akala ko'y tulad sila ng mga nai-stereotype na nakakatakot na college students - tamad, magulo at delinkwente na para bang puro taga-Row 4 sa Iskul Bukol. Marami nga akong na-handle na ganung tipo (lagi kong pinagdadasal na block section ang ibigay sa akin at wag free section!), ngunit mas marami pa rin naman ang matino at nag-aaral. Medyo umulan nga ng ruler grades nang matapos ang unang sem ko! At masaya, walang ere ang karamihan ng mga bata dito, di tulad ng mga estudyante sa ibang private schools. Marahil ay dahil hindi naman yung upper-class "St. Benilde and UA&P demographic" ang target population ng FEU.

Madalas sabihin na ang UP ay isang microcosm ng Philippine society, dahil dito nagmi-meet ang halos lahat ng uri ng taong matatagpuan mo sa Pilipinas. Wala pa rin akong tutol diyan, pero sa FEU ko mas nakita ang representasyon ng karamihan ng mga kabataang nandito sa siyudad na kinalakihan ko. Pag nagtuturo ako dito, di ko mapigilang maalala ang aking mga kapitbahay. Ang aking mga nakakasabay sa jeep pag nagbibiyahe. Yung mga nakakasalubong ko sa mall. "Sila" ang tinuturuan ko. Minsan tuloy, naiisip ko na ang nakikita ko sa FEU ay mas accurate na depiction ng stado ng mga tipikal na mag-aaral sa kolehiyo sa ating bansa.

Magaganda ang mga alaalang iniwan ng aking unang batch. Wala pang kalahati sa kanila ang natandaan ko ang pangalan (e halos tatlong daan ba naman!), pero pihado na pag makasalubong ko ang isa kong estudyante, may maaalala akong nakakatuwang karanasan. Mga di-makapaniwalang ekspresyon pag pumapasa sa exam. Mga pagpasipsip at pagpapa-tutor. Mga pagkukuwento ng mga problema. Mga tangkang pagkokopyahan at ang mga ngiti pag pinapayagan ko na silang mag-"group work". Mga walang tulugang paggawa ng feasibility studies nila na hindi naman ako ang nagtuturo, at pati na rin ang pakikipag-away sa mga panelistang kumatay sa feasib nila. Mga sagutan, pilosopohan, barahan at parinigan habang nasa classroom. Masaya! Talagang isa na siguro sa pinakamasaya't fulfilling na karanasan sa buhay ko.

Siguro'y kung may iaangal man ako sa mga "anak" ko rito, medyo mahina lang sila sa "diskarte". Malaking kakulangan din yun kasi natuklasan ko na ang diskarte at hindi ang academic subjects na natutunan natin ang magdadala sa atin sa isang successful career path. Marahil ito na yung "X-factor" na tumulong sa aking pumasa sa board exam. Mga estudyante kasi dito ay hindi gaanong nabibigyan ng oras "to live life" dahil bugbog nga sila sa dami ng subjects. May panahon na napipilitang maging kabisote. Paano mo nga naman maiiwasan, e kung walong major exams sa walong unrelated subjects ang kailangan mong kunin sa loob ng tatlong araw at tatlong beses pa iyun mangyayari sa isang semester (prelim, midterm, finals)?! Kahit siguro ako mawiwindang! Naku, hindi lang pala "siguro". Tiyak palang mawiwindang ako!!!

Walanghiyang windang! Naalala ko tuloy ang sangkatutak na papel na kailangan kong checkan. WWWWWAAAAAHHHHHHHH!!!!

Sa puso ko, alam ko na ako pa rin ay isang batang Peyups. UP Naming Mahal pa rin ang kakantahin ko at hindi ang FEU Hymn. Pero nagkaroon na rin ng puwang sa puso ko ang aking bagong tahanan. Sa totoo lang, apektado na ako pag ang FEU ay nakukutya, lalo na kung ang problema ay sa perception lang. Malaki kasi ang perception problem ng unibersidad na ito. Hindi miminsang ginusto kong basagin ang screen ng computer ko kapag nababasa ko ang ilang surveys sa mga MBs sa internet at may magbibigay ng negative rating sa pagtuturo rito (hindi lang mababa, negative "below zero" talaga). Para bang pinapalabas na nabobobo pa ang mga estudyante namin, imbis na natututo. Sa nagbigay ng rating na yun, PUTANG INA NIYA! Susungalngalin ko siya pag nakita ko!

Sa ngayon, marami pa rin ang naaaliw at nagugulumihanan pag naririnig nila ang aking napaka-positive na outlook sa pagtuturo sa FEU. Bakit daw ako masaya na nasa FEU lang? Madalas na tinatanong sa akin kung bakit di na lang ako magturo sa mga "standard" schools tulad ng DLSU? Sa PLM? Sa PUP? At ang pinakamadalas, bakit hindi na lang ako bumalik sa UP? Nung umpisa ay nagkaroon rin ako ng ganyang mga tanong. Sa totoo lang, naglalaro pa rin ang mga tanong na ito sa aking isipan paminsan-minsan. Pero sa tuwing pagpasok ko sa mga classrooms, nawawala ang mga tanong. Nakikita ko ang mga matang nakatutok sa akin. At nagiging malinaw na sa akin kung bakit nasa FEU lang ako.

Sana dumating ang araw na hindi na ako tatanungin kung bakit ako nasa FEU lang. Sana dumating ang araw na ang mga estudyante dito, hindi na sasabihin na sa FEU lang sila nag-aaral. Sana dumating ang araw na ang mga employers, hindi na tatanggihan ang mga grads na galing lang sa FEU (kasi UP, DLSU at Ateneo lang ang "magaling"). Sana dumating ang araw na ang Biyaheng FEyUps, at ang lahat ng biyahe ng iba pang mga kolehiyong sumeserbisyo sa mga kabataang nangangarap, ay makakayanan na't hindi na mahihiyang makipagsabayan sa Biyaheng Peyups na ating nasakyan.

Wow. Parang ang lalim naman ng sinabi ko! Naalala ko na naman tuloy ang aking tse-checkan na papel. Hay naku... :)

Friday, May 30, 2008

I'm a blood donor

yes...
last 5/28/08
i donated a blood....

ang aking ka tropa...na si Darwin
ay kaylangan ng dugo pang bayad...
sa
hiniram nilang blood sa philhealth..ang kapalit dapat
blood din.....aun...sa akin nang galing
ang last bag na kailngan nila.....
at masaya namn ako dahil gusto ko talaga makapg donate at
1st time ko mag donate at
para sa ka tropa ko pa..
kahit hindi sa kanya mapupunta yung blood...
at least naka tulong ako...

3 kami nagpa check kung cnu makukuhaan ng blood
kasama ko si Deo, krystel..
sabay-sabay kami sa test kaso ako lang pumasa

dahil si Deo 17y.o palng pala...then si krystel ay katatapos
lang ng menstruation...

kaya talagang ako nlang pag asa....hindi ko rin cnbi na puyat ako nun...
wala pang 4hrs tulog ko ng araw na yun..hindi ko sinabi dahil alam
ko na ako nalang ang pag asa makuhaan ng blood....dahil kailngan na
kailangan na talga....

pumasa ako sa weight 55kg. ako eksakto....
dati kasi nung ettry ko mag donate ng blood sa feu nung tym
na nandun ang red-cross hindi ako pumasa kasi weight ko 52kg lang..
dapat 55kg. pataas....

pumasa din ako sa B.P. ang check nila 125/70..pero ang check ko sa sarili ko ay 110/70 bago ako umalis ng bahay....cgrdo ako dun...dahil expert n ako sa pag
check ng B.p. haha...kaya 100 ako sa return demo namin nun haha...

at ang hemoglobin test pumasa din ako...haha...

bali ang tao sa room ay isang nurse at si Deo lang hindi lumabas si Deo
kasi gusto nia makita mga mangyayari nung una dalawa nurse pero nung nagpa chechk si Deo nung sa hemoglobin pasado nga cya...nun aun tapos nun ung isang nurse lumabas na sa room kaya isa nalang natirang nurse.......ka kwentuhan si Deo

ang ibang tropa namin....nasa labas ng room
nag hihintay.......
may mga ibang nurse din na labas pasok wala namn ginagwa....pumsok lang lalabs din kagd..
may sinasabi lng sila sa nurse na nagbabantay sakin....

okie...nung tinusok na ang needle sa vein ko sa left arm ko...
auz lang parang kinurot lang ng makapal ang balat .....

then....hinihintay nalang mapuno ng blood..yung bag...
e napansin ni nurse na huminto ung paglabas ng dugo..
cgro kaya huminto kasi
yung butas ng needle e dumikit sa wall ng vein..
kaya ginawa nia.....
hinawakan nia ang needle at ginagalaw galaw nia ito..
ako hindi ako naka tingin dahil ang sakit ng gigawa nia..
para bang sugat na binuhusan ng alcohol...
aun hanggang sa dumaloy na ulit yung pag labas ng blood....
at ang eksena ko naman nun e...
gamit ko lang yung stress ball todo pisil
para hindi mamanhid yung arm ko......
at si nurse ka kwentuhan si Deo..

then malapit na mapuno yung blood...namamanhid na yung arm ko...
hindi ko na na pipisil ng maigi yung stress ball...

then nung napuno na ang blood bag....nasabi ni nurse na..400cc daw un....
tapos sabi nia masakit daw pag hinigit yung niddle.....
kaya sabi ko biglain nalang nia..hahaha..aun...
sabi nia pag bilang nia ng tatlo hinga daw ako ng malalim..
pag bilang nia..sbay higit sa needle...haha..'tae sakit..'!

then pinahawak nia sakin yung cotton na naka takip sa pinag butasan ng needle
sa arm ko..then si nurse nasa table naka talikod may sinusulat ako nakahiga pa...

tapos si deo lumapit sa gilid ng kama....ang haba ng sinabi nia e... binibiro nia
ako nun....basta na parng cnsbi nia na tumayo na daw ako feel n feel ko na daw....
yung kama...basta parang ganyan cnbi

wala pang 2 minutes na tinanggal yung needle tumayo na ako...dapat daw pala 5 minutes na pahinga bago tumayo nun....

aun sabay talikod si Deo....at ako tumayo habang hawk yung cotton na nasa pinag
butasan sa arm ko......pag tau ko naka steady lang ako after 2 seconds..aun..
yung paningin ko biglang ng blur hanggang sa white nalng makita ko...nag blanko ang
paningin ko..kaya ginawa ko pumikit ako at humakbang papunta sa upuan...mga 4 step lang papunta dun.. nilakihan ko hakbng ko...

"AYON SA KWENTO NI DEO"

pag upo ko nakita ako ni Deo...na yung pareho kong arm ay pinatong ko na sa magkabilaang gilid ng upuan nun.....may malay p ako nun

tapos pag tingin nia ulit...nakabagsak na yung pareho kong arm sa sa katwan ko
tapos pati ulo ko naka yuko....na daw...
tska nanginginig nginig daw ako...na parang na eepileptic
...wala na akong malay nito..saksi din si nurse nang nangyari ito

tapos..lumapit si Deo kinakausap daw ako hndi ako sumasagot...kaya sinabi nia kay nurse tapos sinilip ni Deo yung mata ko kasi nga naka yuko ako tapos naka cap
nakita daw ni Deo na ka tirik na yung mata ko...haha...tapos si nurse tinatapik
na ako kung may malay ako aun....kaya ginawa nila inalalayan nila ako tumayo magkabilaang braso ko binuhat nila ako tapos nung malapit na ako sa kama dun lang ako nagka malay......hindi ko pa nga makapa yung bed nun gamit butt ko haha...sabi nila urung pa..haha...

aun pag higa ko si dinilat ko mata ko blur paningin ko..
si nurse kumuha ng upuan at pinatong nia sa kama sa paahan ko
tapos yung paa ko pinatong nia sa may upuan...


tapos si Deo sabay sigaw...nakita niya yung Dugo tumatagas..
galing sa pinag butasan ng arm ko...pag tingin ko yung bulak lahat basa ng dugo haha..tapos sobrang dami ng tumutulo...
tapos malapot yung itsura nia...
basta ang lapad ng nasakop ng dugo..ang dami..
tapos si nurse namn natataranta na....

pinabuksan nia ang fan kay Deo..number 5 daw...e naka aircon na nun
alam niang naiinitan ako kasi talagang bigla akong pinagpawisan ang init buong katawan ko....sobra talga init sa pakiramdam napahubad ko nga bigla yung cap ko nun e...para ipang pampay sa sarili ko
...kaya pala yung mga nawawalan ng malay e..pinapaypayan kasi maiinit pala yung pakiramdam sa katawan katulad ng nangyari sakin..haha..

si nurse pinakuha niya yung cotton kay Deo
pati alcohol...
tapos todo punas si nurse ng dugo na naka kalat sa arm ko....
si Deo namn taga lagay ng alcohol sa cotton na hwak ni nurse
aun halos maubos na ang cotton..haha....
tapos may pumasok na isa pang nurse...aun hiniga nia yung bed ko..
kasi naka angat cya nung una ng 85 degree....e...aun hanggang sa tuluyan na maging
normal na ulit pakiramdam ko..haha....nakaktwa talaga sila mga natataranta...

sayang lang wala akong remembrance pic. habang nag dodonate ko ng blood..haha..
kasi yung Cp ko nasa bag tapos iniwan ko sa mga ka tropa ko na nasa labas lang ng room...sayang talga..haha kaya next time may pic. na haha...
tsaka auz narin ang condition ni darwin....
much better na ngaun....mas masaya na cya

at may pasaway na ginawa na naman ako...kinabukasan nag inuman kami
kasi bday party ng ka tropa namin na si Cj.....aun...nasabi sakin ni Sofia
na 3 days before uminom ng alcohol daw..e..ako 1 day palang uminom na kagad
haha......adek talaga....

Sunday, May 25, 2008

Bye Rona Marie Libby




ang isa sa tunay ng modelo ng kabataan sa PBB teen season 2
ay natuluyang mapalabas ....dahil sa ka gustuhan ng ibang co-housemate na
walang leader appeal.....tulad nalang ni Robi...
bakit ang dalawang pinaka matino ang na nominate...
dahil ba sa desperado't desperada na ang ibang housemate na manalo sila..
kaya ang pupuntiryahin nila ay ang mga alam nilang BIGATIN ang dating...
kahit anu gawin nila iba parin si Rona at Robi...parehong mas Mature ang pag iisip
kumpara sa ibang co-housemate....
at marami namang nakaka alam na mabuti ang ugali ni robi at rona...
kaya ganun talaga kung cnu ang mabubuti cya pa madalas napapasama..

buti pa si Mikan hindi niya naranasan mga pang lalait ng mga housemates...
kasi lumabas na cya kagad.....
s lahat ng umalis sa bahy ni kuya ngaun season..e..
yung kay mikan ako na SAPUL ng emotion...
talagang naramdam ko yung pagiging close nila ng mga
housemates..sa sandaling panahon lang..
at nakaka tuwa nga pal si Beauty nung nag eempake si Mikan..
haha..
aba ayaw pa ata palabasin si Mikan gusto pigilan...haha....

"SANA SI NICOLE NA MATANGGAL NEXT EVICTION NIGHT"

Thursday, May 22, 2008

Congratulasion COOK




oh...i knew it...haha...sabi na nga ba siya mananalo..
hahaha
kala niyo ha....haha..
madami diyan..na kinukumpara siya kay Chris Daughtry kahit ako
nung una nung narinig ko na siya kumanta...sabi ko parang si
Chris style nia..BUT! better than Chris..haha..

magaling naman din si David Archuleta..pero malas nia..may mas magaling sa
kanya.....kala ko pa nga nung una..masasama si Syesha sa 2 finalist...kasi todo birit
madalas ang eksena..pero dala naman niya.....ang pag kanta ng mga ganun....





they're both good..but..mas pinalad si Cook para iboto ng
mas nakakaraming tao..at pa ulit2 sa pag boto........
kahit ka hawig ko man si Archuleta sabi ng iba??haha "kapal ko"
e..mas boto parin ako kay Cook......

at..parang panalo narin naman si Archuleta niyan..
sigurado marami ng offer sa kanya...hahaha...



AT..TEKA....hindi ko pa napanuod ng kompleto finals nilang dalawa ...hahaha...
yung part 1..kung san cla kumanta....hndi manlng umabot ng 1/4 ang napanuod ko..haha talgng patapos na siya....
yung part 2 namn ng finals yung announcement ng champion..hindi ko pa talaga napapanuod...haha gumala kasi ako....

buti nalang may replay nian sa "Star World" hahaha...every sunday..
dapat ko na mapanuod yun...

and again...Congratulation to both david