Wednesday, March 19, 2008

early vacation

masaya magbakasyon....
buti nalang may nag yaya kagad
sakin gumala...haha

last week monday ng madaling araw
yung mga classmate ko
sa health care subj. ko niyaya nila ako na
sumama sa outing nila...pupunta sila sa
tunay na tinitirahan ng isa naming classmate
at sa nueva vizcaya yun....

nung time na niyaya nila ako sa conference
lang nila ako niyaya sa YM yun..ka chat ko sila
pero alam ko matagl na nila plano yung outing na yun...
pero sobrang late na ako niyaya,...

tamang tama habang ka chat ko sila
yung ate ko online din kaya pwede ako manghingi ng pera...
aun nakahingi naman ako sabi padadalahan ako..
kaso hindi aabot sa time na dapat kami aalis na....
tuesday mornning kasi ng umaga ang alis nila...
e niyaya nila ako monday ng madaling araw....

kaya yun sabi pa ng ate ko sakin nung time na nanghingi
ako ng pera sa kanila sarado yung bank kaya hndi talga siya makapag padala kagad
sunday kasi sa london nun ..kaya ma lalate pag datin ng pera....

yung isa naman na makakasama ...sa outing..gusto nia paheramin
muna ako ng money pang gastos ko.....bayaran ko nlng daw pag uwi namin..
kahiya naman kaya ang ginawa ko..
hindi na talaga ako sumama..sa kanila...
kahit gusto ko talaga sumama kasi malayo...

thursday evening sila umuwi.....

at

thursday evening din...

yung dati kong classmate na
kasama ko lagi sa galaan..
biglang nag text.....

sabi nia sama daw ako...

tanong ko naman kung saan....

sabi nia mag baguio daw...

at aun ang naudlot kong gala nagkaroon ng kapalit na gala
kaya bigla ako na excite...tanong ako ng tanong about kung san kami
pupunta..una daw sa Pangasinan...sa hauz ng classmate nila na fren ko narin dati pa...
fiesta daw kasi sa kanila..1 night kami dun at kinabukasan sa Baguio na kami pumunta....
sunday morning kami bumiyahe

nung nasa pangasinan kami 8 kami lahat na magkakasama....
yung tatlo dun taga pangasinan na talaga
pumunta kmi ng baguio 7 nalang yung isa naming kasama hindi pinayagan sumama

nasa Baguio na kami.....
masaya...sobra...
kasi yung hotel na tutulugan namin
napaka mura 7 persons kami tapos nun 250 per head lng
ang bayad namin para sa ROOM.....pero 24hrs. lng yun...
kaya sa "INA MANSION" narin kayo..haha

2 bedrooms, dining area, kitchen area, may refrigerator, Tv (cable), electricfan,
C.R (w/ hot & cold shower) kumpletong kumpleto talaga at ang maganda pa dun
nasa tapat lang yun ng burnham park...at sa kabilang side
ng burnham park SM Baguio din....kaya ang lapit namin....sa mga bilihan...
ng kung anu2..

tuesday morning kami umalis
dapat hanggang 12:00 pa kami sa
room namin..kasi 24 hrs. nga..

e kaylangan namin umalis ng maaga kasi yung
isang kasma namin gusto umuwi ng maaga....
kasi pag uwi nia kina hapunan aalis ulit cya pupunta ng cagayan..

bali 5 lanag kami na umalis sa room yung dalawa na taga pangasinan
12 na nang tanghali sila umalis.....


ang hinsi ko makakalimutan ay yung
NALIGAW ako mag ISA at nung naligaw kami 5 kami nun
kahit alam na nila yung lugar biglang nagkalituhan....

nung ako mag isa kasi katatapos ko lang maligo..tapos mag isa ako pumnta ako ng SM may bibilhin kasi ako sa Watsons..aun pag bili ko sa ibang exit ako lumbas....kaya
ang resulta aun....nagkaligaw ligaw ang putakte....
lampas 1hr. ako nawala for sure...nalibot ko paligid ng Sm bago makbalik.

hapon ako lumabas ng room...inabot ako ng dilim bago makabalik
....nung palapit na ako sa hotel nakasalubong ko dalawa kong kasama
buti nalang kung hindi pupunta ako sa hotel na tatambay lang sa lobby kasi
sarado ang room namin dahil lahat pala sila wala na dun lumabas sila para mamili..buti nalang
talaga nakasalubong ko yung dalawa naming kasama.....bumalik talaga sila sa room para tgnn
daw sana ako kung anndun na ako....aun e wala pa ako..
sa kalsada na nila ako nakita...


hmm...nung naligaw naman kami na 5 kami nun..madaling araw na yun...1am ata kami lumabs ng room katatapos lang namin mag inuman nun aun sa burnham park halos wala ka ng makikitang tao...tapos naisipan na pumunta ng Cathedral....siyempre sarado na..

aun tapos nun hndi na kami makabalik sa hotel..hahaha....
sobrang tagal din namin nag lakad.....kung saan saang road kami napunta....
halos wala talagang ka tao2..minsan nga nglalakd na kami sa gitna ng hi-way e....

nung hindi na kami makabalik dahil nalilito na sila sa daan kasi nga madilim na
wala na sila masyado palatandaan sa daan kaya bandang huli
ako din ang nag suggest ng daan para makabalik kami.......

bali nung nakita ko overpass dun ko na alala lahat na nung una akong naligaw na mag isa ako aun
ang aking naging palatandaan pabalik sa hotel dun ako dumaan sa gilid ng university nun..kaya
dun ako na ang sinundan nila para makauwi...

wah...kapagod nung tym na yun...two times ako naligaw....
akalain mu yun....

marami pa sanang kwento kaso tinatamad na ako sa sobrang dami.....

1 comment:

McRey said...

Wahahah... ito rin may pagka-nobela...

hahaha...

Ang saya maligaw no... ang sarap pagtawanan ang sarili... wahahah...

an daming beses ko na rin naligaw pero luckily nakakauwi naman ako ng ligtas...

therefore, once in a lifetime, maexpirience ng lahat ng taO ANG MALIGAW..