kahalagahan ng haplos sa sex
isinulat ni Christine sa Bagong Tiktik newspaper nuong Enero 7, 2007
sabi ko nga sa nauna kong post
e popost ko d2 ang topic sa newspaper....
na naging dahilan kung bakit ko pinilas o naitago
ang kapirasong dyaryo na to..
kahalagahan ng haplos sa sex
LAHAT tayo ay nag daan sa pagiging baguhan o bagito sa sex. Sa simula siyempre'y
walang nakakaalam ng mga dapat at kailangang gawin sa pakikipagtalik lalo't unang pagkakataon iyon na mararanasan o gagawin.
Walang sinuman sa
atin na makakapagsabing
alam na ang lahat nang
dapat gawin sa pakikipag talik
kung iyon ay unang
pagkakataon lang na gagawin
nang aktuwal.
Ang bawat akto ng
pagtatalik ay isang bago at
naiibang karanasan sa
magkaparehang noon lang
iyon isasagawa.
Maging ang mag asawa
na sa unang gabi ng kanilang
pulot-gata ay nangangapa
at nag iisip kung ano ba ang
maaari nilang gawin at idulot
sa kapareha.
Upang hindi madisimula ang
pagkakahiyaan, malaki ang
maitutulong ng mga paghimas
at malumanay na pag haplos sa
bawat isa.
Mahalaga ang pag haplos sa
kapareha upang masimulan ninyo
ang isang maiinit na pagniniig.
Sa pamamagitan ng haplos ay
malalaman ng kapareha kung gaano
kasidhi ang iyong interes sa kanyang
katawan, at sa haplos ninyo sa isa't isa,
nagkakaroon kayo ng pagkakataong
tuklasin ang mga sikretong pisikal ng
bawat isa. Kung saan siya makikiliti at
maantig kahit sa pamamagitan pa lamang
ng haplos.
Sa haplos malalman kung gaano ka
pinahahalagahan ng iyong kapareha. Kung
gaano ka niya iniingatan na tila isang babasaging
kristal na maingat na hinahawakan.
Madarama ang malalim niyang damdamin para sa
iyo sa kanyang haplos.
Ibinabahagi niya ang kanyang damdamin
at ipinadaramang hindi lamang katawan mo ang
kanyang nais, o hindi siya hinahangad
na pagbigyan mo lang ang kanyang
pagnanasang seksuwal.
Sa haplos din madarama ang init ng kanyang
katawan, malalaman din kung paano napapaantig
at nagigising ang kanyang pagnanasa sa sex.
Ang isang good lover ay alam na gamitin ang
kapangyarihan ng haplos sa pakikipagtalik.
Ang paggamit ng daliri gayon din ng pagkalalaki
ay nakapagbibigay ng ibayo o sagad na istimulasyon
sa kapareha, gayunman, hindi dapat itinitigil ang
paghimas at paghaplos kahit sa foreplay pa lang
o kahit sa aktuwal na ninyong pagtatalik.
Mapapansin na balewala ang pagkokonsentra
sa pinakasensitibong bahagi ng katawan ng kapareha
kung hindi rin lang isinasagawa ang malumanay na paghimas
o paghaplos dito. Hindi sapat ang basta kantiin ang
lang iyon o maglabas-masok sa kanyang kaangkinan.
Dapat patuloy parin ang paghaplos sa buo niyang
katawan. Malalaman ang kasiyahan sa kanyang mga
pag-ungol -daing sa bawat paghaplos na gagawin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment