Saturday, April 12, 2008

Pasiglahin ang Sex

(isinulat ni Blattaria sa Bagong Tiktik newspaper nuong Enero 7, 2007)

MAHALAGA ang sex sa normal na takbo ng buhay
ng isang taong may karelasyon. Nagdaragdag ito ng init
at sigla sa kanilang pagsasama, at nagdudulot din ng tibay
lalo't parehong maligaya at fulfilled ang kanilang sex life.

Pero tulad ng ibang mga bagay, nagsasawa din naman ang
isang tao sa sex sa piling ng isang kapareha.
To put it bluntly, magsasawa karin kahit sa paborito
mong ulam kapag ito ang nakahain sa iyo mula umaga
hanggang gabi, araw-araw.

Kaya kinakailangang magkaroon lagi ng nababago o naiiba
sa sex ng magkapareha. Kapwa kailangang magpursige at
magbigay ng effort para panatilihing nakakagana ang kanilang
lambingan sa kama para hindi ito manlamig.

Marami tayong magagawa basta't bukas ang isip at nakatuon
tayo sa ikabubuti ng sex life at relasyon. Puwede tayong mag-iba
ng lugar kung saan nagtatalik . imbes na sa kama't kwarto, ah, subukan
sa banyo, sa likod ng pinto, sa sahig, sa sala, sa hagdan, sa kusina,
at kung saan-saan pa sa loob o labas ng pamamahay. Basta siguruhin lang
na walang ibang makakaalam dahil eskandalong malaki 'yon.

Pwede rin tayong umiba pa ng lugar. Sa motel, sa apartelle, sa hotel ,
sa loob ng kotse, sa sinehan, sa restaurant, sa parke, sa public CR, sa kahit
anong lugar na magbibigay sa inyo ng kakaibang thrill at excitement. basta
siguraduhin nating walang makakahuli para iwas kalaboso at pawang
dagdag kasiyahan lang.

Puwedeng manood ng mga x-rated na pelikula at umastang mga bida nito,
o mag role playing, o subukang tuparin ang mga pinapantasya sa sex kung
mayro'n man, basta usapan, walang pilitan at sakitan.

Puwedeng umiba ng mga nakagawiang mga posisyon sa sex.
Pwedeng dagdagan, tagalan, o ibahin ang foreplay. Puwedeng idagdag
ang afterplay. Puwedeng mag research ng may madiskubreng bago sa sex.
Puwede ring sumubok ng mga sex toy. Ang importante, kailangang alam at payag
ang kapareha bago sumubok ng anomang bago at kakaiba.

Kung kapos sa oras lalo na sa budget, uubra na rin 'yung pagbili ng bagong
underwear na di kadalasang ginagamitsa pang araw-araw. Ang mahalaga
ay mayro'ng bago na pupukaw sa imahinasyon at gana ng kapareha para
manatiling may init sa sex. Konting effort lang naman ang kailangan at
para din naman sa atin ng kapareha ang lahat.

No comments: